Ang induced global warming resulting to the inconsistencies of climate changes ay maihahalintulad sa pagpapakulo ng tubig na ang nangyayari'y umaalimpuyo ang tubig kasama ng hangin. At ngayon, naiipit at naipapalaman ang lupang ating tinutuntungan at ang mga katubigang ating nilalanguyan. Ang init na nakukulong sa loob ng daigdig at ang init na galing sa earthcore ay nais na hagkan ang isa't-isa -- ang init sa ilalim ng lupa ay gustong kumawala at lalo pang kumulo at maaaring sunod-sunod na sumambulat kasama ng mga nagbabagang mga bato at luwad. Tayo at ang mga nilikhang may buhay at wala ay nasa gitna - tayo na ngayo'y BIBINGKA.
Sa pagtunaw ng mga naglalakihang yelo sa Arctic, Greenland, Antarctica, at iba pa, ang matinding lamig na dulot ng pagtunaw ay umaabot na sa Equator. Magulo, hindi maunawaan ng hangin kung saan pupunta. Parang init na binuhusan ng lamig, umuusok. Mala-kalsadang nagbabaga sa init ngunit biglang umulan. Pilit kumakawala ang init.
Init at lamig. Ang hindi maunawaang pagbabago ng panahon ay hindi lamang usapin ng matinding pag-iinit ng mundo. Ito ay usapin ng pagtatalo ng init at lamig.
Sana sa panahon ng pag-iinit, mahimasmasan tayo at baka nga'y biglang mabuhusan tayo ng malamig na tubig sa pagkahimbing, may maaari pang magawa.
Sa matinding pag-init, tumitindi ang paglamig sa hindi naman dapat lumamig ng ganoon katindi.
Init at lamig.
Maligamgam kaya?
Ngunit hindi na panahon ngayon upang maging mediocre. Tumayo tayo at makialam.
Kumilos na!