Tuesday, October 26, 2010

Takure at Bibingka

Ang induced global warming resulting to the inconsistencies of climate changes ay maihahalintulad sa pagpapakulo ng tubig na ang nangyayari'y umaalimpuyo ang tubig kasama ng hangin. At ngayon, naiipit at naipapalaman ang lupang ating tinutuntungan at ang mga katubigang ating nilalanguyan. Ang init na nakukulong sa loob ng daigdig at ang init na galing sa earthcore ay nais na hagkan ang isa't-isa -- ang init sa ilalim ng lupa ay gustong kumawala at lalo pang kumulo at maaaring sunod-sunod na sumambulat kasama ng mga nagbabagang mga bato at luwad. Tayo at ang mga nilikhang may buhay at wala ay nasa gitna - tayo na ngayo'y BIBINGKA.

Sa pagtunaw ng mga naglalakihang yelo sa Arctic, Greenland, Antarctica, at iba pa, ang matinding lamig na dulot ng pagtunaw ay umaabot na sa Equator. Magulo, hindi maunawaan ng hangin kung saan pupunta. Parang init na binuhusan ng lamig, umuusok. Mala-kalsadang nagbabaga sa init ngunit biglang umulan. Pilit kumakawala ang init.

Init at lamig. Ang hindi maunawaang pagbabago ng panahon ay hindi lamang usapin ng matinding pag-iinit ng mundo. Ito ay usapin ng pagtatalo ng init at lamig.

Sana sa panahon ng pag-iinit, mahimasmasan tayo at baka nga'y biglang mabuhusan tayo ng malamig na tubig sa pagkahimbing, may maaari pang magawa.

Sa matinding pag-init, tumitindi ang paglamig sa hindi naman dapat lumamig ng ganoon katindi.

Init at lamig.

Maligamgam kaya?

Ngunit hindi na panahon ngayon upang maging mediocre. Tumayo tayo at makialam.

Kumilos na!

Sunday, October 17, 2010

The Tree

Natuwa ako sa facebook post ni Ate Mae (aka Juana Change) tungkol sa isang text message na kanyang natanggap: "Puno" a poem by Joyce Killjoy.I thnk dat i shall never see, a friend lucky as dis tree. A tree who's twice failed d test, yet boss won't let him go and rest. Poems r made by fools like me, but only my president can axe dis tree. Bow!"

At ito naman ang aking mga reaksyon:

"Sa larangan ng biodiversity, ang species na itinanim ni PNoy ay isang exotic isang hindi nararapat sa kalupaan ng pamamahala, isang INVASIVE na puno. kung patuloy pang aalagaan ni PNoy ang ganitong klase ng puno, para itong sisipsipin ang natitirang katubigan ng republika at maaari ring magiging monoculture plantation of corruption na ito. Kaya kay PNoy, 2010 is Year of Biodiversity. Say NO to invasive PUNO or else the flowing waters of democracy and transparency shall be sucked gradually! Kahit sa ganitong aspetong pangkalikasan, sana naman si PNoy maging isang environmentalist."

At eto pa:

"Ang kabaligtaran pala ng INVASIVE ay NATIVE o INDIGENOUS. Sa ngayon, ang nakikita kong native at indigenous sa gabinete ay sina Robredo na may ugat na sa lokal na pamamahala, si de Lima na hiyang na hiyang sa usapin ng karapatang pantao at maaaring si Luistro na ang talaga namang ang paaralan ay kanyang naging tahanan (ngunit hindi ko alam kung nakaugat sa mga karanasan ng mga karaniwang mamayan na nagpapaaral sa pampublikong mga institusyon). Tanggalin ang INVASIVE at magtanim ng NATIVE! Iyan ang pangangalaga sa BIODIVERSITY"

Monday, September 13, 2010

Active Vista in Palawan

Nais kong ibahagi ang aking talumpati sa pagbubukas ng Active Vista Film Festival sa Palawan State University noong nakaraang buwan:

Isang maalab at mapagpalayang umaga sa lahat kung saan ang haring ALDAW ay paulit-ulit na sumisikat. Masarap paglaruan ang mga katagang Active at Vista. 'Active' na nananawagan ng pagkilos at 'vista' na kung saan ay mayroong kang nakikita maaari ring nararamdaman, naririnig at naaamoy. Isang aktibista, isang nilalang na may pakialam, hindi pabaya sa lipunan at kalikasan, para sa pagbabago, isang gawaing DAKILA, isang kadakilaan na nagsisimula sa sarili. Ang ang pagiging aktibista ay hindi pagiging kritiko sa pamahalaan, bagkus, ito'y isang karapatan at likas sa pagiging tao. Noong ako'y nag-aral tungkol sa climate change sa Australia sa ilalim ng Nobel Peace Laureate na si Al Gore, noong tinanong siya kung ano ang gagawin sa kapabayaan at pagkabingi ng isang namamahala: sagot niya: gayahin ang people power ng Pilipinas! Kapangyarihang nagmumula sa isa't isa, sa bawat puso, isip at kaluluwa ng iisa na naibahagi sa lahat. Isang pagtingin: punto de vista, kung saan ang pagtingin ay tarok at tusok sa kaloobloban ng kaluluwa at kalooban kung saan mauuunawaan ang pagtanaw sa katotohanang tayong lahat ay magkaugnay-ugnay, hindi lang sa pagiging tao kundi sa pagiging bahagi ng buong kalikasan. Ang pagtingin ng Alyansa Tigil Mina: bawal ang ang pagmimina sa gubat at sa mga lugar na nayuyurakan ang karapatang-pantao lalo na ng mga katutubo. Hindi ako maka-kalikasan, dahil kung ganoon, ang kalikasan ay nandoon at ako'y nandito, inihihiwalay ko ang aking sarili sa kanya. Bagkus ako ay bahagi ng kalikasan, tayo, sila: kalikasan. Hindi natin mapapangalagaan ang kalikasan at ang ating sarili hangga't hindi natin kayang tanggapin na tayo ay bahagi nito. Sabi ni Pangulong Aquino, kung walang corrupt, walang mahirap. Ngunit ang sabi ng mga puno, mabuting pinuno. At maaari nating sabihin: Kung may gubat, walang mahirap. Makibahagi at makialam. Magandang umaga!

Sunday, September 12, 2010

Ang Pagbabalik

Mahigit isang taon na yatang hindi na-update ang blog na ito. Maaaring dahil na rin sa kasikatan ng Facebook at hindi na ako nakapagsusulat ng pormal. Kahit hindi pormal, mas magandang simulan uli ang pagsusulat. Mukhang hindi na matalas ang aking kaisipan at nangagailangang magkaroon ng kaunting pagsasanay.

Maraming mga lugar na naman akong narating, maraming klase ng tao at iba't ibang mga pananaw.

Bago, maraming bago: presidente, mga opisyal ng bayan. Marami ring nagbabagu-bagohan.

May good news. May bad news.

Ngunit simula siguro ngayon: NGAYON, bubuhayin kong muli ang blog na ito: araw-araw. At sana sa paraang ito, maipalalabas ko sa aking kaisipan ang mga agam-agam at hinuha sa mga bagay-bagay sa paligid.

Sana huwag ako dalawin ng katamaran. At sana naman unti-unting lumiwanag ang karimlan kung saan nais kong tahakin ang isang napakasalimuot na daan.

Bukas, ang panibagong simula.