Wednesday, October 22, 2008

Kaunlaran at Kalikasan

Nueva Vizcaya (NV), isang lalawigang malapit na sa aking kalooban. Ilang beses na akong pabalik-balik sa lugar na ito. Sa aking mga maiikling pananatili dito, minsan na rin akong nakulong sa nag-uumpugang pananaw tungkol sa kaunlaran at kalikasan.

Isang industriya ng sinasabing kaunlaran ay ang malakihang pagmimina na lubos na iniiwanan ang isang pamayanan sa NV sa gitna ng hindi-pagkakaunawaan at malaking abalang pilit na dinadala ang lahat sa labas ng likas nilang pamumuhay. Ang gawaing pilit na inihihiwalay sa kalikasan na dati-rati'y iisa.

Ginto.

Kumikinang.

Ang katumbas daw ng kaunlaran ay ang gintong kumikinang na makukuha sa mga lupain.

Ginto na pilit na ipinapalit sa mga palayang mas mahal pa at kailangan.

Ginto kapalit ng mga pilit na pagpapaalis sa mga lupain.

Ginto na yumuyurak sa karapatan ng mga nakikiisa sa mga pamamaraang likas.

Ginto na Mesiyas ng ekonomiya ng naghihikahos sa bansa (dulot ng mga sawang nanglululon nang buo).

Ginto na dini-diyos ng mga nasa poder.

Ginto kapalit ng matagal nang kultura at tradisyon ng minsan pang mapayapang lugar.

Ginto, kumikinang.

Sino ang nakikinabang?

Kalikasan, kamatayan.

Naalala ko tuloy sa isang pagpupulong, isang editor ng pampaaralang diyaryo ang nagtanong:

"Kaunlaran ba o Kalikasan? Minahan ba o Kabuhayan?

No comments: